Saturday, August 30, 2014

PAG UNLAD

Totoo at seryosong industriyalisasyon ang lubhang kailangan ng Pilipinas upang ang bansa ay magkaroon ng ngipin at kapangyarihan sa umiiral na globalisasyon. Lubhang dehado ang bayan ni Juan sa pandaigdigang kalakalan kung patuloy na walang sariling industriya  sa larangan ng mga sopistikadong makinarya't kagamitan (Heavy Industries, Computer software technology etc, etc.)panahon na upang pilitin natin magkaroon ng sariling gawang mga makinarya-- ang'mag-mass production' ng mga ito.

Maraming mga higanteng kompaya't negosyo ang bansa-- ang SM Tycoon Henry Sy, mga Holdings ni Lucio Tan, ng Ayala Group of companies, atpb atpb. SUBALIT mapapansin na halos lahat ng naglalakihang negosyo ng mga ito ay pawang mga pangkaraniwan lamang ang mga produkto (from Banking & Finance, Real Estate, retailing & Mall Ops., Foods & Beverages Manufacturing) maski nga mga consumer goods' ay nasa kontrol ng mga "Multinational companies".
Walang nangangahas na higanteng negosyanteng Pinoy o Chinoy man ang pumapasok sa "automobile or machinery manufacturing, heavy equipment, Ship building & other related ops., aeronautics--defense technology and other hi-tech gadgetry etc. etc."

Sapagkat ang KAPANGYARIHAN at LAKAS ng isang bansa ay nakasalalay sa lakas ng halaga ng imprentang salapi nito., ang pagkakaroon naman ng halaga ng salapi ay nakasalalay sa PRODUKTO nito.


Kayat kung ang mga produkto ng isang bansa gaya ng sa Pilipinas ay pawang pangkaraniwan lamang i.e. saging, kamote, kawayan, mga pabahay(subdivisions, Condos, Bldgs., Giant Super Malls,) pagkain at mga inumin atpb na mga pangkaraniwang produkto lang naman na kung saan ang mga kagamitan na ginagamit sa ating mga 'manufacturing' at mga 'construction equipment' ay inaangkat (import) pa sa ibang mauunlad na bansa. KUMBAGA, mag-iimport ka ng makina galing 'Japan,South Korea,China etc.' pagkatapos mag-eexport ka lang naman ng halos kahalintulad ng kamote at saging papunta sa bansang ito--isipin na lamang kung gaano ka-dehado ang kalakalan o palitan ng kalakal ang mangyayari sa magkabilang panig, saan tayo sa globalisasyon o pandaigdigang kalakalan o 'world trade' nakalugar.


Hahayaan na lamang ba natin ang ganitong kalagayan at kalakaran.Ang ating mga kapatid na mayayamang negosyante, mga mayayamang namumuno sa ating pamahalaan, ay marahil hindi na hahangarin pa ang pagkakaroon ng tunay na industriyalisasyon... kuntento na sila sa tinatamasa nilang kasaganaan at karangyaan sa buhay, sa pagkakaroon ng mga sasakyang SUV's (Toyota Sequia/Land Cruiser, Lexus, BMW etc. etc.).

Ang totoo at nararapat gawin, tayong mga pangkaraniwang tao ang kailangang kumilos at magsagawa ng mga pambihirang hakbang upang maiahon sa lugmok at tiwali na kalagayan ang ating bansa. Dahil maski anong gawin, wala at sadyang wala tayo maaasahan sa ating mga tinitingala na pinuno sa ating lipunan, SUBALIT kung hahangarin ng nakararaming Pilipino ang pambihira at halos imposibleng hangad na industriyalisasyon ay sigurado at tiyak may uusbong na ideya't pamamaraan na kung saan manggagaling sa mga pangkaraniwang tao lang pala ang kalutasan at totoong kaunlaran na pinakamimithi ng bayan ni JUAN.
 HAWAK KAMAY na pagsulong at PAGKAKAISA ang kailangan.

Tuesday, August 12, 2014

Garantiya at Opurtunidad







 Paano daw gagarantiyahan at matitiyak ng mga “contributors” na ang fund drive na ito totoo, at hindi isang 'fund drive scam' lamang, na maibibigay ang mga nabanggit na pa-premyo at ang malilikom ay magiging pondo para sa mga proyektong pangmakabayan, kamalayan at mga industriya't kabuhayan para sa bayan.
 

Ang  garantiya natin ay ang prinsipyo sa likod ng mga ideya at proyekto na itinataguyod nating pagsusumikapan isagawa at mangyayari  lamang ito sa tulong at suporta ng bawat Pilipino lalo na ng mga OFW sa KSA (Saudi Arabia), ang tagumpay natin ay nakasalalay sa pagkakaisa at suporta.

Naniniwala tayo sa mga opurtunidad na susunod kapag nagtagumpay ang unang patimpalak na ito. Matayug ang ating mga pangarap at plano.  Halos imposible 

kung iisipin lang at hindi susubukang gawin. Ngunit ang naiisip at gagawin natin ay sadyang hindi  naman talaga imposible dahil nagawa na at ginagawa na ito ng mga ibang lahi at ibang bansa--proyektong pang-teknolohiyat pagpapaunlad sa kani-kanyang bansa. Kung  hihintayin lang at aasahan ang ating gobyerno para kumilos at isagawa ito, marahil sa haba ng proseso, sa dami ng 'paper works' at sa dami ng meron' malamang magpapalitpalit na lang ng administrasyon mananatili pa rin ang ating mahal na Pilipinas na ‘un-industrialized’, walang sariling teknolohiya, walang sariling mga makinarya--inutil na bansa!  ganun ba ang gusto nating mangyari, ang manatili na lamang panaginip at pangarap ang minimithi nating tunay na kaunlaran.  Kung nagagawa ng ibang bansa mapaunlad ang kanikanyang hi-tech industries! bakit sa Pinas, hindi natin magawa? DAHIL WALA TAYONG PAGKAKAISA, WALANG NAG-IISA AT PINAGKAKAISAHAN NA MASIDHING HANGARIN O LAYUNIN.
(photo credit—scam phils pic,  hand images stock pictures royalty freehand, Napoleon Hill foundation)

Hawak Kamay Coop (Hakaco) Fund Drive for a Cause 2014 @KSA




Madaling sabihin mahirap gawin, ganito ang pakiramdam kapag nagbabalak tayo magtayo ng isang organisasyon o proyekto  na iniisip natin maaaring maging susi at pintuan na magbibigay daan sa mga kinakailangang pagbabago na hangad natin sa ating sarili ,  lalo higit sa ating minamahal na bayan.
Bilang mga Ofw sa gitnang silangan, hindi maiwasan ang mag-isip ng mga paraan upang may pagkunan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga manggagawa natin lalo na ang may kakapiranggot lamang ang sahod o manggagawa sa maliliit na kumpanya o establisyemento.







Noong una, iniiisip lamang natin at napag-uusapan ay pansariling kapananan at pansariling "survival", ang makabuo ng isang organisasyon na kahalintulad sa isang sindikato o organisasyon na may mga gawaing pagkakakitaan sa ibat-ibang ilegal na paraan.
 Ngunit bandang huli nananaig pa rin ang ating matinong kaisipan at napagkasunduan nga na gumawa na lamang ng organisasyon na kahalintulad sa kooperatiba at napagkasunduan nga na umpisahan sa pagsasagawa ng 'fund drive' o pa 'raffle' upang makalikom ng pondo na gagamitin at makakatulong sa mga kasapi at iba pang mga ofw na mangangailngan din ng tulong.

Naging usapin din ang legalidad sa pagtayo o pagbuo ng kooperatiba na wala pang kaukulang rehistro o patnubay ng ating pamahalaan. Ngunit sa usaping ito napagkasunduan din na sa kadahilanang tayo ay nasa ibayong dagat naman at sa pag-aanalisa wala naman masama sa ating hangarin kundi ang makatulong sa ating sarili at sa iba ding kasamahan at kababayan natin , napagkasunduan na ituloy na ang proyekto at saka na lamang asikasuhin ang mga kinakailangan karagdagang "requirements" at mga 'paper works'  kapag naging tagumpay na at may pondo na ang organisasyon. Ito ay maihahalintulad sa isang eksperemento o pag-aaral at pagsubok sa kakayahan nating gumawa ng iba-ibang pamamaraan sa pagtataguyod ng kabuhayan. At kapag nagtagumpay dito sa ibang bansa ang bagong kooperatiba na ito, ipagpapatuloy natin sa ating bayan na bitbit ang gayundin na layunin at adhikain ang makatulong sa mga ofw at sa kabuuan sa mga pangangailangan ng ating bansa, ang makatulong sa gobyerno, dahil naniniwala tayo na sadyang karamihan din sa atin ay puro reklamo na lamang at pangungutya sa gobyerno natin, marahil napapanahon na rin na tayo ay gumawa na rin ng mga pamamaraan o mga hakbang upang tayo ring mga pangkaraniwang mamamayan ay makapag-ambag ng tulong sa ating pamahalaan , hindi lamang sa pagiging ofw kundi pati na rin ang pagsusulong  ng pagtatag sa ibat-ibang proyekto at ganun din ang paglinang ng mga makabagong kaisipan o ideya na maaaring magbigay daan sa makabuluhang pagbabago.  

(photo credit--StockPictures,RoyaltyFreeHandPhotosAndStockPhotography)

Pagdududa sa Layunin




Hindi natin basta mawawaksi ang pagdududa ng ating mga kababayan sa isang bagong usbong na organisasyon kagaya ng hakaco lalo na at ito ay may programa na nangangalap ng pondo. Hindi rin naman lingid sa kaalaman nating lahat ang nagkalat na mga 'scam' sa internet, nasa atin ang desisyon at pag-aanalisa. Kung hindi rin naman tayo kikilos at gagawa ng paraan na maski mag-umpisa lamang sa maliit na gawain, kailan pa tayo kikilos?


Siguro kung nababasa at nauunawaan lamang ang mga “blog” namin dito ukol sa organisasyon ng hakaco marahil mapagtatanto na ang "ultimate goal" ng hakaco ay ang pagsulong hindi lamang ng kamalayan at paghubog ng maunlad na kaisipang Pinoy kundi lalo higit ang pagsulong ng industriyang Pilipino sa ibat-ibang larangan. Ngunit maisasakatuparan ang mga adhikaing ito kung magkakaroon ang hakaco ng sapat na pondo o kapital upang matustusan ang lahat ng pangangailangan at kinakailangang paggalaw ng makinarya ng organisasyon tungo sa pagbangon ng lahing Pilipino. Kung aasahan lang natin ang tulog, este, tulong ng ating gobyerno, marahil alam naman na nating lahat ang magagawa at ginagawa ng ating mga maykapangyarihan. Wala tayo dapat asahan sa gobyerno kundi ang umasa. Ngunit sa pilosopiya ng hakaco, tayo ang pag-asa at tutulong sa ating gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta sa mga adhikaing mga maka-Pilipino. Nararapat lamang pairalin ang hawak kamay sa pagsulong (nagkakaisang pagsuporta), MABUHAY ANG PILIPINO!!!



Sunday, July 27, 2014

Mga Produktong Pinoy : Tangkilikin ang sariling atin






                                                       Pinoy assembled XLT Vehicle
Original Japan brand vehicle 

Hindi na gaanong kailangan ang paliwanag kung anong mga produkto
mayroon ang ating mahal na bayan. Karamihan mga hilaw na produkto (raw materials) mga pangkaraniwang produkto o madaling gawin lamang
kumpara sa ibang bansa, sadyang napakalayo natin. Kumbaga, ang mga
produkto natin -- kamote, saging, kawayan (minamaliit natin pero
paborito natin ito). Samantala sa mga industriyalisadong bansa--
computer gadgets, sophisticated automated hydraulic machines, Jet
fighters etc. etc. 
Isama na rin natin ang ating labor force-- mga manggagawa sa
ibayong dagat, isa rin ito sa pinagkakakitaan ng ating mahal na
bayan. Ang OFW's ay karagdagang pang-balanse sa pakikipagkalakalan
natin sa ibang bansa, labor importer tayo. Masyado tayong dehado
sa kalakalan-- mag-export tayo ng sangkaterbang kamote at saging
pati kawayan at labor samantala mag-import naman tayo ng
napakamamahal na mga 'sophisticated machines'. (hindi naman pupwede pambili ang ating salapi dahil mahina nga ang mga produkto ng ating salapi, kayat kapag kinakapos tayo ng dayuhang salapi—dito pumapasok ang pangangailangan ng pangungutang sa mga dayuhan o dayuhang capital {at siempre pa may mga kasunduan sa bawat pangungutang ng dayuhang capital, isa na marahil sa mga kasunduan ang mga ‘policies’ na nagpapanatili sa ating pagiging palaasa sa dayuhang capital o tulong na kinahahantungan ng tulog na ekonomiya!})

Kayat kapag pinag-usapan ang pagtangkilik sa sariling atin, halos
wala din naman tayong tatangkilikin na produkto maliban na lamang
ang mga pangkaraniwan na nariyan na talaga. Kayat bilang panimula
sa ating proyekto, unahin natin muna pagtuunan ang pagtangkilik sa
mga sasakyang panlupa na gawa o 'pure Pinoy assembled vehicle'.
Maraming panahon na ang lumipas pero wala pa rin naitatag ang
Pinoy na sariling gawa na sasakyan na ang ginagamit ay sariling
gawang makina, lahat halos ng ginagawang Pinoy made vehicle
kinakabitan ng surplus na makina o mga basura na sa ibang bansa
(pinaglumaan) at sapilitang ne-reconditioned lang.Magkaganunpaman, kailangan mag-umpisa tayo dito. Tangkilikin natin
ang mga sasakyang gawa o assembled Pinoy vehicle. Kayat sa mga
patimpalak natin puro sasakyan na gawa o mas kilala sa katawagan
na XLT sa Central Luzon. Anuman ang mangyari, dito nakatuon ang
mga susunod na mga proyekto ng Hakaco, ang makabuo ng sariling
makina't mga makinarya ang ating bayan.

Lubhang mahirap kung iisipin lang, dahil maski mga higanteng
negosyante sa atin hindi ito binibigyang pansin. Ngunit kung
gagawin natin maski mag-umpisa lang sa maliit na pamamaraan at
pagkilos pasasaan at uusbong, susulpot din ang mga kinakailangang
mga ideyat pamamaraan upang maisakatuparan mga adhikain natin.
Lubhang kailangan lang magkaroon ang bawat Pilipino ng
paghahangad, ng masidhing paghahangad at pangangailangan na tayong
mga Pinoy ay makahulagpos sa pagiging 3rd class citizen lamang na kung tawaging nga tayo sa mga First World countries ay TCN o third
country nationals.  Lubhang kailangan magkaroon tayo ng nag-aapoy
na paghahangad ( hehehe, ‘burning desire’) anuman ang estado natin sa
buhay bilang Pinoy--nakatira kaman sa Ayala Alabang Village,
Toyota land cruiser man ang iyong gamit na sasakyan, Pilipino ka pa
rin at hindi maiitatanggi ang totoong kalagayang ekonomiya't
kahirapan pagkadehado ng bansang Pilipinas kumpara sa mga kalapit
nating bansa.

Ang misyon at pilosopiya ng Hakaco ay nag-uugat sa masidhing
paghahangad na kung nanaisin ng bawat Pilipino na tayo ay
mapabilang sa mga tinaguriang 'First World Countries', mangyayari
at mangyayari ito, sapagkat walang makapipigil sa atin kung ito
ang ating hangarin. May kasabihan nga, na ang kalikasan ay
sumusunod lamang at sumasang-ayon sa kung ano ang hinahangad ng
sangkatauhan. Mabuhay ang Pilipino!!!