Tuesday, August 12, 2014

Hawak Kamay Coop (Hakaco) Fund Drive for a Cause 2014 @KSA




Madaling sabihin mahirap gawin, ganito ang pakiramdam kapag nagbabalak tayo magtayo ng isang organisasyon o proyekto  na iniisip natin maaaring maging susi at pintuan na magbibigay daan sa mga kinakailangang pagbabago na hangad natin sa ating sarili ,  lalo higit sa ating minamahal na bayan.
Bilang mga Ofw sa gitnang silangan, hindi maiwasan ang mag-isip ng mga paraan upang may pagkunan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga manggagawa natin lalo na ang may kakapiranggot lamang ang sahod o manggagawa sa maliliit na kumpanya o establisyemento.







Noong una, iniiisip lamang natin at napag-uusapan ay pansariling kapananan at pansariling "survival", ang makabuo ng isang organisasyon na kahalintulad sa isang sindikato o organisasyon na may mga gawaing pagkakakitaan sa ibat-ibang ilegal na paraan.
 Ngunit bandang huli nananaig pa rin ang ating matinong kaisipan at napagkasunduan nga na gumawa na lamang ng organisasyon na kahalintulad sa kooperatiba at napagkasunduan nga na umpisahan sa pagsasagawa ng 'fund drive' o pa 'raffle' upang makalikom ng pondo na gagamitin at makakatulong sa mga kasapi at iba pang mga ofw na mangangailngan din ng tulong.

Naging usapin din ang legalidad sa pagtayo o pagbuo ng kooperatiba na wala pang kaukulang rehistro o patnubay ng ating pamahalaan. Ngunit sa usaping ito napagkasunduan din na sa kadahilanang tayo ay nasa ibayong dagat naman at sa pag-aanalisa wala naman masama sa ating hangarin kundi ang makatulong sa ating sarili at sa iba ding kasamahan at kababayan natin , napagkasunduan na ituloy na ang proyekto at saka na lamang asikasuhin ang mga kinakailangan karagdagang "requirements" at mga 'paper works'  kapag naging tagumpay na at may pondo na ang organisasyon. Ito ay maihahalintulad sa isang eksperemento o pag-aaral at pagsubok sa kakayahan nating gumawa ng iba-ibang pamamaraan sa pagtataguyod ng kabuhayan. At kapag nagtagumpay dito sa ibang bansa ang bagong kooperatiba na ito, ipagpapatuloy natin sa ating bayan na bitbit ang gayundin na layunin at adhikain ang makatulong sa mga ofw at sa kabuuan sa mga pangangailangan ng ating bansa, ang makatulong sa gobyerno, dahil naniniwala tayo na sadyang karamihan din sa atin ay puro reklamo na lamang at pangungutya sa gobyerno natin, marahil napapanahon na rin na tayo ay gumawa na rin ng mga pamamaraan o mga hakbang upang tayo ring mga pangkaraniwang mamamayan ay makapag-ambag ng tulong sa ating pamahalaan , hindi lamang sa pagiging ofw kundi pati na rin ang pagsusulong  ng pagtatag sa ibat-ibang proyekto at ganun din ang paglinang ng mga makabagong kaisipan o ideya na maaaring magbigay daan sa makabuluhang pagbabago.  

(photo credit--StockPictures,RoyaltyFreeHandPhotosAndStockPhotography)

No comments:

Post a Comment