Hindi natin basta mawawaksi ang pagdududa ng ating mga kababayan sa isang bagong usbong na organisasyon kagaya ng hakaco lalo na at ito ay may programa na nangangalap ng pondo. Hindi rin naman lingid sa kaalaman nating lahat ang nagkalat na mga 'scam' sa internet, nasa atin ang desisyon at pag-aanalisa. Kung hindi rin naman tayo kikilos at gagawa ng paraan na maski mag-umpisa lamang sa maliit na gawain, kailan pa tayo kikilos?
Siguro kung nababasa at nauunawaan lamang ang mga “blog” namin dito ukol sa organisasyon ng hakaco marahil mapagtatanto na ang "ultimate goal" ng hakaco ay ang pagsulong hindi lamang ng kamalayan at paghubog ng maunlad na kaisipang Pinoy kundi lalo higit ang pagsulong ng industriyang Pilipino sa ibat-ibang larangan. Ngunit maisasakatuparan ang mga adhikaing ito kung magkakaroon ang hakaco ng sapat na pondo o kapital upang matustusan ang lahat ng pangangailangan at kinakailangang paggalaw ng makinarya ng organisasyon tungo sa pagbangon ng lahing Pilipino. Kung aasahan lang natin ang tulog, este, tulong ng ating gobyerno, marahil alam naman na nating lahat ang magagawa at ginagawa ng ating mga maykapangyarihan. Wala tayo dapat asahan sa gobyerno kundi ang umasa. Ngunit sa pilosopiya ng hakaco, tayo ang pag-asa at tutulong sa ating gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta sa mga adhikaing mga maka-Pilipino. Nararapat lamang pairalin ang hawak kamay sa pagsulong (nagkakaisang pagsuporta), MABUHAY ANG PILIPINO!!!
No comments:
Post a Comment