Totoo at seryosong industriyalisasyon ang lubhang kailangan ng Pilipinas upang ang bansa ay magkaroon ng ngipin at kapangyarihan sa umiiral na globalisasyon. Lubhang dehado ang bayan ni Juan sa pandaigdigang kalakalan kung patuloy na walang sariling industriya sa larangan ng mga sopistikadong makinarya't kagamitan (Heavy Industries, Computer software technology etc, etc.)panahon na upang pilitin natin magkaroon ng sariling gawang mga makinarya-- ang'mag-mass production' ng mga ito.
Maraming mga higanteng kompaya't negosyo ang bansa-- ang SM Tycoon Henry Sy, mga Holdings ni Lucio Tan, ng Ayala Group of companies, atpb atpb. SUBALIT mapapansin na halos lahat ng naglalakihang negosyo ng mga ito ay pawang mga pangkaraniwan lamang ang mga produkto (from Banking & Finance, Real Estate, retailing & Mall Ops., Foods & Beverages Manufacturing) maski nga mga consumer goods' ay nasa kontrol ng mga "Multinational companies".
Walang nangangahas na higanteng negosyanteng Pinoy o Chinoy man ang pumapasok sa "automobile or machinery manufacturing, heavy equipment, Ship building & other related ops., aeronautics--defense technology and other hi-tech gadgetry etc. etc."
Sapagkat ang KAPANGYARIHAN at LAKAS ng isang bansa ay nakasalalay sa lakas ng halaga ng imprentang salapi nito., ang pagkakaroon naman ng halaga ng salapi ay nakasalalay sa PRODUKTO nito.
Kayat kung ang mga produkto ng isang bansa gaya ng sa Pilipinas ay pawang pangkaraniwan lamang i.e. saging, kamote, kawayan, mga pabahay(subdivisions, Condos, Bldgs., Giant Super Malls,) pagkain at mga inumin atpb na mga pangkaraniwang produkto lang naman na kung saan ang mga kagamitan na ginagamit sa ating mga 'manufacturing' at mga 'construction equipment' ay inaangkat (import) pa sa ibang mauunlad na bansa. KUMBAGA, mag-iimport ka ng makina galing 'Japan,South Korea,China etc.' pagkatapos mag-eexport ka lang naman ng halos kahalintulad ng kamote at saging papunta sa bansang ito--isipin na lamang kung gaano ka-dehado ang kalakalan o palitan ng kalakal ang mangyayari sa magkabilang panig, saan tayo sa globalisasyon o pandaigdigang kalakalan o 'world trade' nakalugar.
Hahayaan na lamang ba natin ang ganitong kalagayan at kalakaran.Ang ating mga kapatid na mayayamang negosyante, mga mayayamang namumuno sa ating pamahalaan, ay marahil hindi na hahangarin pa ang pagkakaroon ng tunay na industriyalisasyon... kuntento na sila sa tinatamasa nilang kasaganaan at karangyaan sa buhay, sa pagkakaroon ng mga sasakyang SUV's (Toyota Sequia/Land Cruiser, Lexus, BMW etc. etc.).
Ang totoo at nararapat gawin, tayong mga pangkaraniwang tao ang kailangang kumilos at magsagawa ng mga pambihirang hakbang upang maiahon sa lugmok at tiwali na kalagayan ang ating bansa. Dahil maski anong gawin, wala at sadyang wala tayo maaasahan sa ating mga tinitingala na pinuno sa ating lipunan, SUBALIT kung hahangarin ng nakararaming Pilipino ang pambihira at halos imposibleng hangad na industriyalisasyon ay sigurado at tiyak may uusbong na ideya't pamamaraan na kung saan manggagaling sa mga pangkaraniwang tao lang pala ang kalutasan at totoong kaunlaran na pinakamimithi ng bayan ni JUAN.
HAWAK KAMAY na pagsulong at PAGKAKAISA ang kailangan.
Saturday, August 30, 2014
Tuesday, August 12, 2014
Garantiya at Opurtunidad
Paano daw
gagarantiyahan at matitiyak ng mga “contributors” na ang fund drive na ito
totoo, at hindi isang 'fund drive scam' lamang, na maibibigay ang mga nabanggit
na pa-premyo at ang malilikom ay magiging pondo para sa mga proyektong
pangmakabayan, kamalayan at mga industriya't kabuhayan para sa bayan.
Ang garantiya natin ay ang prinsipyo sa likod ng
mga ideya at proyekto na itinataguyod nating pagsusumikapan isagawa at
mangyayari lamang ito sa tulong at
suporta ng bawat Pilipino lalo na ng mga OFW sa KSA (Saudi Arabia), ang
tagumpay natin ay nakasalalay sa pagkakaisa at suporta.
Naniniwala
tayo sa mga opurtunidad na susunod kapag nagtagumpay ang unang patimpalak na
ito. Matayug ang ating mga pangarap at plano.
Halos imposible
kung iisipin
lang at hindi susubukang gawin. Ngunit ang naiisip at gagawin natin ay sadyang
hindi naman talaga imposible dahil
nagawa na at ginagawa na ito ng mga ibang lahi at ibang bansa--proyektong
pang-teknolohiyat pagpapaunlad sa kani-kanyang bansa. Kung hihintayin lang at aasahan ang ating gobyerno
para kumilos at isagawa ito, marahil sa haba ng proseso, sa dami ng 'paper
works' at sa dami ng meron' malamang magpapalitpalit na lang ng administrasyon
mananatili pa rin ang ating mahal na Pilipinas na ‘un-industrialized’, walang
sariling teknolohiya, walang sariling mga makinarya--inutil na bansa! ganun ba ang gusto nating mangyari, ang
manatili na lamang panaginip at pangarap ang minimithi nating tunay na
kaunlaran. Kung nagagawa ng ibang bansa
mapaunlad ang kanikanyang hi-tech industries! bakit sa Pinas, hindi natin
magawa? DAHIL WALA TAYONG PAGKAKAISA, WALANG NAG-IISA AT PINAGKAKAISAHAN NA
MASIDHING HANGARIN O LAYUNIN.
(photo
credit—scam phils pic, hand images stock
pictures royalty freehand, Napoleon Hill foundation)
Hawak Kamay Coop (Hakaco) Fund Drive for a Cause 2014 @KSA
Madaling
sabihin mahirap gawin, ganito ang pakiramdam kapag nagbabalak tayo magtayo ng
isang organisasyon o proyekto na iniisip
natin maaaring maging susi at pintuan na magbibigay daan sa mga kinakailangang
pagbabago na hangad natin sa ating sarili , lalo higit sa ating minamahal na bayan.
Bilang mga
Ofw sa gitnang silangan, hindi maiwasan ang mag-isip ng mga paraan upang may
pagkunan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga manggagawa natin lalo na ang may
kakapiranggot lamang ang sahod o manggagawa sa maliliit na kumpanya o
establisyemento.
Noong una,
iniiisip lamang natin at napag-uusapan ay pansariling kapananan at pansariling
"survival", ang makabuo ng isang organisasyon na kahalintulad sa
isang sindikato o organisasyon na may mga gawaing pagkakakitaan sa ibat-ibang
ilegal na paraan.
Ngunit bandang huli nananaig pa rin ang ating
matinong kaisipan at napagkasunduan nga na gumawa na lamang ng organisasyon na
kahalintulad sa kooperatiba at napagkasunduan nga na umpisahan sa pagsasagawa
ng 'fund drive' o pa 'raffle' upang makalikom ng pondo na gagamitin at
makakatulong sa mga kasapi at iba pang mga ofw na mangangailngan din ng tulong.
Naging
usapin din ang legalidad sa pagtayo o pagbuo ng kooperatiba na wala pang
kaukulang rehistro o patnubay ng ating pamahalaan. Ngunit sa usaping ito
napagkasunduan din na sa kadahilanang tayo ay nasa ibayong dagat naman at sa
pag-aanalisa wala naman masama sa ating hangarin kundi ang makatulong sa ating
sarili at sa iba ding kasamahan at kababayan natin , napagkasunduan na ituloy
na ang proyekto at saka na lamang asikasuhin ang mga kinakailangan karagdagang
"requirements" at mga 'paper works' kapag naging tagumpay na at may pondo na ang
organisasyon. Ito ay maihahalintulad sa isang eksperemento o pag-aaral at
pagsubok sa kakayahan nating gumawa ng iba-ibang pamamaraan sa pagtataguyod ng
kabuhayan. At kapag nagtagumpay dito sa ibang bansa ang bagong kooperatiba na
ito, ipagpapatuloy natin sa ating bayan na bitbit ang gayundin na layunin at
adhikain ang makatulong sa mga ofw at sa kabuuan sa mga pangangailangan ng
ating bansa, ang makatulong sa gobyerno, dahil naniniwala tayo na sadyang
karamihan din sa atin ay puro reklamo na lamang at pangungutya sa gobyerno
natin, marahil napapanahon na rin na tayo ay gumawa na rin ng mga pamamaraan o
mga hakbang upang tayo ring mga pangkaraniwang mamamayan ay makapag-ambag ng
tulong sa ating pamahalaan , hindi lamang sa pagiging ofw kundi pati na rin ang
pagsusulong ng pagtatag sa ibat-ibang
proyekto at ganun din ang paglinang ng mga makabagong kaisipan o ideya na
maaaring magbigay daan sa makabuluhang pagbabago.
(photo
credit--StockPictures,RoyaltyFreeHandPhotosAndStockPhotography)
Pagdududa sa Layunin
Hindi natin basta mawawaksi ang pagdududa ng ating mga kababayan sa isang bagong usbong na organisasyon kagaya ng hakaco lalo na at ito ay may programa na nangangalap ng pondo. Hindi rin naman lingid sa kaalaman nating lahat ang nagkalat na mga 'scam' sa internet, nasa atin ang desisyon at pag-aanalisa. Kung hindi rin naman tayo kikilos at gagawa ng paraan na maski mag-umpisa lamang sa maliit na gawain, kailan pa tayo kikilos?
Siguro kung nababasa at nauunawaan lamang ang mga “blog” namin dito ukol sa organisasyon ng hakaco marahil mapagtatanto na ang "ultimate goal" ng hakaco ay ang pagsulong hindi lamang ng kamalayan at paghubog ng maunlad na kaisipang Pinoy kundi lalo higit ang pagsulong ng industriyang Pilipino sa ibat-ibang larangan. Ngunit maisasakatuparan ang mga adhikaing ito kung magkakaroon ang hakaco ng sapat na pondo o kapital upang matustusan ang lahat ng pangangailangan at kinakailangang paggalaw ng makinarya ng organisasyon tungo sa pagbangon ng lahing Pilipino. Kung aasahan lang natin ang tulog, este, tulong ng ating gobyerno, marahil alam naman na nating lahat ang magagawa at ginagawa ng ating mga maykapangyarihan. Wala tayo dapat asahan sa gobyerno kundi ang umasa. Ngunit sa pilosopiya ng hakaco, tayo ang pag-asa at tutulong sa ating gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta sa mga adhikaing mga maka-Pilipino. Nararapat lamang pairalin ang hawak kamay sa pagsulong (nagkakaisang pagsuporta), MABUHAY ANG PILIPINO!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)