Maaari
sabihin na isang magandang panaginip lamang ang mga pangarap na ilalahad natin
dito sa maikling blog na ito. maaaring sabihin na isang napaka-imposibleng
panaginip. Ngunit ang katanungan ay kung bakit sa ibang lahi o ibang bansa ito
ay naisasakatuparan nila, nagagawan ng paraan at nagiging totoo at makikita nga
na napapakinabangan ng kanilang mamamayan.
Pagbigyan
natin na namnamin, isipin, bigyan daan at harapin ng bukas na kaisipan ang mga
panaginip na ito bago paman natin itakwil na walang kabuluhan pagtuunan ng
pansin.
Dapat lahat ng 'Filipino abled citizens ay magsilbi sa military forces maski man lang 2 taon na kontrata lalong-lalo na ang mga kalalakihan (mas mainam at karagdagang asset kung pati kababaihan ay kasali din). Malaking tulong ang military training sa disiplina at kahandaan sa ibat-ibang kasanayan at kaalaman ( at sa mga di-inaasahang kalamidad). Na magiging kahandaan sa anumang panlabas o panloob man na banta sa interes ng bansa.
Pilosopiya
ng kaalaman at kasanayan.
Pinakamahalagang
yaman ng isang bansa ay ang tinatawag na yaman-tao "human resources",
mas maraming tao mas mainam para sa isang bansa. Nagiging balakid lang kung
walang mga proyekto na kung saan ginagamit ang kapakinabangan ng maraming tao (mas maraming workers, mas
maraming consumers—more people more business and that is good for everybody’).
mas pabor sa isang bansa ang malaking populasyon. at dapat hinahanap ang bawat
angking talento, kasanayan, kaalaman, hilig ng bawat tao. pagsasaliksik sa mga
may pambihirang katangian na tao sa buong kapuluan ng Piliinas at pakinabangan
sa interes ng bansa.
Kapag
nangyari ang pambihirang pangarap at mga panaginip na ito, halos lahat ng ating
mga kababayan ay magkakaroon ng desenteng hanapbuhay (maaari pa nga tayo
kapusin ng mga manggagawa at mag-angkat ng mga dayuhang manggagawa, kagaya ng
nangyari sa South Korea at iba pang mga maunlad at industriyalisadong bansa).
Pagbaba ng mga kaso ng kriminalidad, tunay na pag-usbong ng maunlad na
agrikultura dahil sa pagkakaroon ng mga sariling industriya sa ibat-ibang uri
ng kagamitan, pamamaraan at makinarya . Lahat ng industrial countries” may
maayos na agrikultura, mas napapangalagaan ang kalikasan—malinis na mga ilog,
awtomatik yan sa maunlad na bansa.
Lubhang
napapanahon na, upang bigyan daan at gamitin ang karanasan, karunungan ng mga
Pilipino na halos nakarating na sa halos lahat ng sulok ng mundo. Hindi
malayong mangyari ito kung paiiralin ang tunay na pagkakaisa na magiging tulay upang ang
hiwa-hiwalay na kapuluan at paniniwala ng mga Pinoy ay magbuklod tungo sa
katuparan ng mga pangarap at mga pambihirang panaginip na ito… sana, dapat
ganito.
No comments:
Post a Comment